Home NATIONWIDE Panukalang ‘President Ferdinand Edralin Marcos Day’ sa Ilocos Norte aprubado ng Kamara

Panukalang ‘President Ferdinand Edralin Marcos Day’ sa Ilocos Norte aprubado ng Kamara

59
0

MANILA, Philippines – Aprubado na sa ikatlo at pinal na pagbasa ng Kamara ang panukalang magdedeklara sa Setyembre 11 bilang special non-working holiday sa Ilocos Norte na tatawaging “President Ferdinand Edralin Marcos Day.”

Layunin ng House Bill 9216 na gunitain ang kaarawan ng dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.

Sa botohan, 218 kongresista ang bumoto pabor, apat ang tumutol at dalawa ang nag-abstain.

Kabilang sa mga bumoto kontra ang mga kinatawan ng Kabataan, Gabriela at ACT Teachers party-list.

Isa sa principal authors ng panukala si House Majority Leader Sandro Marcos, apo ng dating pangulo.

Samantala, aprubado rin sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang gawing regular non-working holiday ang national election day upang makapagpokus umano ang mga botante sa pagboto.

Lusot din ang panukalang itaas sa 57-anyos mula 56 ang compulsory retirement age ng mga uniformed personnel ng Philippine National Police (PNP). RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here