MANILA, Philippines – Inaasahang makikipagkita si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa stakeholders mula sa shipping industry ng Japan sa kanyang 4-day state visit sa Tokyo, ayon kay Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Administrator Atty. Patricia Yvonne “PY” Caunan nitong Martes, Mayo 26.
Hindi binanggit ni Caunan kung ilang shipping firms at executives ang makakaharap ni Marcos ngunit sinabing mahigit kalahati ng mga seafarer sa Japanese firms ay mga Filipino.
“70 percent ng kadete sa mga Japanese-owned na mga vessels po ay Filipino po, ganoon po ang kanilang tiwala sa atin pong mga marino and malaking market po,” pahayag ng OWWA chief.
“Makikita po dito iyong mensahe of course ng ating Pangulo, lagi po niyang sinasabi sa kaniyang mga talumpati before the FilCom how proud he is of our OFWs at tuloy-tuloy lang po ang kaniyang direktiba sa amin ni Secretary Hans Cacdac na ibigay ang buong serbisyo, make our services accessible at makatao para sa atin pong mga kababayang mga OFW at siyempre iyong kanilang mga pamilya,” dagdag pa niya. RNT/JGC