Home NATIONWIDE Marcoleta binanatan ni Lacson sa pagkuwestiyon sa kawalan ng legal background ni...

Marcoleta binanatan ni Lacson sa pagkuwestiyon sa kawalan ng legal background ni Hontiveros

67
0

MANILA, Philippines – Tumitindi ang bangay ng majority at minorya ng Senado matapos magkainitan sa mosyon na payagan ang sinumang mambabatas na makalahok sa botohan at deliberasyon sa Senado sa pamamagitan ng teleconference o Zoom.

Katunayan, nitong Martes matapos susugan ni Senador Risa Hontiveros ang pananaw ng minorya na hindi maaaring madaliin ang pag-aapruba sa anumang mosyon o resolusyon nang walang kaukulang deliberasyon.

Dahil dito, kinuwestiyon ni Senador Rodante Marcoleta si Hontiveros sa kanyang pananaw hinggil sa Rules of the Senate dahil wala itong “legal background.”

Hindi ito nakaligtas kay Senador Panfilo Lacson kaya’t ipinagtanggol ng dating chairman ng Senate blue ribbon committee si Hontiveros dahil pinag-uusapan ang isyu hinggil sa Rules of the Senate at hindi ang legal background ng sinumang mambabatas.

Kaya’t binatikos ni Lacson si Marcoleta dahil sa pagkuwestiyon nito sa   kakulangan ni Hontiveros sa legal background, gayong ang usapin ay may kinalaman sa mga patakaran ng Senado — bagay na itinuro rin ni Senate Minority Leader Vicente Sotto III kay Marcoleta.

“In a condescending tone, a colleague, who is a lawyer, took issue with Sen Hontiveros’ lack of ‘legal background.’ I have a simple message — it’s the RULES, stupid!” sabi ni Lacson.

Kasabay nito, sinabi ni Lacson na ipinakikita ng Solid Bloc 11 minority bloc ngSenado sa pag-walk out nitong Martes ng gabi na maaaring maging tagumpay ang pag-atras  lalo na kung nasa panig natin ang mga patakaran.

Binoljak din ni Lacson ang isang senador dahil sa ipinakita nitong magaspang at mapangmataas na pagtrato sa kapwa niyang minority bloc member na si Sen. Risa Hontiveros.

“Senate minority walkout: we demonstrated how to score a victory by retreating. They may have superior numbers but we have the rules on our side,” saad niya sa X.

“When they in the majority play dirty, we in the minority will play it smart,” dagdag niya.

Noong Martes ng gabi, kinuwestiyon ni Lacson at ng kapwa niyang minority senators ang hakbang ng majority bloc na talakayin at pagbotohan sa plenaryo ang mosyon ni Marcoleta na nagpapahintulot ng online participation sa mga pagdinig ng Senado.

Ipinunto ni Lacson na dahil na-refer na sa Committee on Rules ang mosyon ni Marcoleta noong Mayo 11, Rule 24 – at hindi Rule 136 – ng Rules of the Senate, kung saan ang mga komite ay magme-meeting, magpapasya at magre-report sa lahat na bagay na na-transmit dito – ang mananaig.

Dagdag niya, bagama’t ini-refer sa Committee on Rules ang mosyon ni Marcoleta noong Mayo 11, wala namang chairman o mga miyembro ang komite dahil itinuring na bakante ang lahat ng posisyon sa Senado kasunod ng pagbabago sa liderato.

Nag-walkout ang minority bloc matapos igiit ng majority bloc na ituloy ang mosyon. Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here