Home NATIONWIDE Kawalang-pakialam sa kalikasan, isa sa pinakamalaking panganib – Cardinal Advincula

Kawalang-pakialam sa kalikasan, isa sa pinakamalaking panganib – Cardinal Advincula

39
0

MANILA, Philippines – Nagbabala si Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula na ang lumalawak na kawalang-pakialam ng tao sa kalikasan ang isa sa pinakamalaking panganib na kinahaharap ng lipunan ngayon.

Sa kanyang mensahe para sa Laudato Si’ Week, hinimok ng kardinal ang mga mananampalataya na isabuhay ang _ecological conversion_ habang lumalala ang climate emergency, pagkawala ng biodiversity, at agresibong urban development na tumatama sa mga mahihirap.

Binigyang-diin niya na mas makahulugan ang pagdiriwang ngayong taon dahil kasabay ito ng ika-800 anibersaryo ng pagpanaw ni San Francisco ng Assisi, na itinuturing niyang paalala na ang kalikasan ay biyaya, hindi bagay na pagsasamantalahan.

Bilang tugon, isinusulong ni Advincula ang pagpapalawak ng Laudato Si’ Circles sa Arkidiyosesis ng Maynila—maliliit na pamayanan para sa panalangin, pagninilay, at konkretong pagkilos para sa kalikasan at kapwa. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here