Home HOME BANNER STORY Manhunt kay Sen. Bato, pinalawak sa 3 lungsod sa Metro Manila

Manhunt kay Sen. Bato, pinalawak sa 3 lungsod sa Metro Manila

32
0

MANILA, Philippines – Inilunsad na sa tatlong lungsod sa Metro Manila ang manhunt para kay Ronald dela Rosa, ayon kay Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla nitong Miyerkules.

Kinumpirma ni Remulla ang naturang hakbang sa isang text message sa media ngunit hindi na nagbigay ng iba pang detalye.

Una nang nagsagawa ng operasyon ang mga tauhan ng National Bureau of Investigation at Criminal Investigation and Detection Group sa isang bahay sa Angeles City na umano’y pag-aari ng kamag-anak ni Sen. Robin Padilla, ngunit hindi natagpuan si Dela Rosa.

Ayon sa ulat, si Dela Rosa ay hindi pa rin matagpuan at patuloy na pinaghahanap ng mga awtoridad.

Siya ay umano’y wanted ng International Criminal Court kaugnay ng kanyang naging papel sa war on drugs sa panahon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, na sinasabing kumitil ng libu-libong buhay ayon sa human rights groups. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here