Home NATIONWIDE Doktor na Pinoy, tinarakan ng pasyente sa ospital sa London

Doktor na Pinoy, tinarakan ng pasyente sa ospital sa London

55
0

London – Sugatan at nakikipaglaban para mabuhay ang isang Filipino doctor matapos pagsasaksakin ng pasyente sa loob mismo ng isang ospital sa London, ayon sa ulat.

Kinilala ang biktima na si Dr. Paul Bisnar, na naka-duty bilang Emergency Physician in Charge sa Accident & Emergency department ng Hillingdon Hospital noong Martes nang bigla umanong bumunot ng kutsilyo ang isang pasyente.

Ayon kay Bisnar, hinabol siya ng suspek sa pasilyo ng ospital bago siya bumagsak sa sahig.

“I fell in the corridor,” ani Bisnar. “While lying on the floor, [the attacker] attempted to stab and kill me. I managed to defend myself using my bare hands and legs.”

Habang sumisigaw umano ang mga nakasaksi upang ilihis ang atensyon ng suspek, hinabol naman nito ang iba pang tao sa lugar. Agad namang rumesponde ang mga pulis na nagkataong nasa A&E department at naaresto ang suspek.

Sinabi ni Bisnar na doon lamang niya napagtanto ang tindi ng kanyang mga sugat matapos humupa ang adrenaline.

“When I tried to stand up, I realized I had sustained multiple stab wounds and was bleeding onto the floor,” aniya. “I managed to reach a secure room, where I lay down and waited for help to arrive.”

Isinugod si Bisnar sa St. Mary’s Hospital kung saan isinailalim siya sa emergency surgery sa kaliwang kamay. Nagtamo siya ng pitong saksak at kasalukuyang nakararanas ng pagkawala ng pakiramdam sa kanyang kamay.

Kinumpirma ng Metropolitan Police na inaresto ang isang 27-anyos na lalaki dahil sa hinihinalang attempted murder at causing grievous bodily harm (GBH).

Habang nagpapagaling, nanawagan si Bisnar para sa mas mahigpit na seguridad sa mga ospital sa ilalim ng National Health Service (NHS), kasunod ng umano’y lumalalang karahasan laban sa healthcare workers.

“I am glad that no other staff members or patients were injured during the attack. Violence and aggression towards healthcare staff are becoming a dangerous nationwide epidemic,” ani Bisnar sa social media. “Someone will die if no one acts on it.”

Nanawagan din siya sa mga healthcare worker na nakaranas ng karahasan sa emergency departments na magsalita upang makatulong sa pagbabago ng polisiya.

“I hope this incident serves as a wake-up call to ensure better protection and safety for both staff and patients in A&E departments and across all NHS workplaces,” dagdag niya. “Above all, I thank God for protecting me. God is good… all the time.” Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here