Home NATIONWIDE Bagong 1Tahanan Party-list rep, iprinoklama na ng Comelec

Bagong 1Tahanan Party-list rep, iprinoklama na ng Comelec

35
0

MANILA, Philippines – Ipinroklama ng Commission on Elections (Comelec) nitong Huwebes si Elmer Catulpos bilang bagong kinatawan ng 1Tahanan Party-list sa House of Representatives matapos ang sunod-sunod na pagbibitiw ng mga nominee ng grupo.

Ginawa ang proklamasyon sa Comelec main office sa Intramuros, Maynila, sa pangunguna ni Chairperson George Garcia at ng Commission en banc. Pinalitan ni Catulpos si first nominee Nathaniel Oducado na nagbitiw sa puwesto.

Si Catulpos ay orihinal na pang-apat sa listahan ng nominees ngunit umangat matapos mag-resign ang second nominee na si Gerard Joseph Aliño at third nominee na si Raul Del Prado.

Nakakuha ang 1Tahanan Party-list ng puwesto sa Kamara matapos makakuha ng 309,761 boto at magtapos sa rank 44 sa May 2025 elections.

Ayon sa Section 16 ng Republic Act 7941 o Party-List System Act, ang bakanteng puwesto sa party-list ay awtomatikong pinupuno ng susunod na nominee sa listahan na magsisilbi sa natitirang termino. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here