MANILA, Philippines – Sinabi ni Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla nitong Biyernes na “most probably” na susuko si Sen. Jinggoy Estrada sakaling maglabas ang Sandiganbayan ng arrest warrant kaugnay ng mga kasong graft at plunder na may kinalaman sa umano’y kickbacks sa flood control projects.
“I think most probably surrender. Surrender yan. This is the third time, sanay na naman siya sa kung ano ang gagawin niya,” ani Remulla sa ambush interview.
Ayon kay Remulla, sinabi ni Estrada na pag-iisipan muna niya ang kanyang desisyon dahil sa kanyang kalagayang pangkalusugan, partikular ang kailangan nitong knee replacement surgery.
Tinanong kung hihingi ng hospital arrest si Estrada, sinabi ni Remulla na nasa korte ang magiging desisyon.
“Hindi, ang gagawin ko lang, ang concern niya ‘yung tuhod niya. So, it’s up to the Sandigan’s appreciation kung ibibigay sa kanya ‘yung ganun,” aniya.
Dagdag pa niya: “Whatever comes first, surrender or re-arrest. We will do whatever is necessary.”
Sinabi rin ni Remulla na dadaan sa tamang proseso ang senador sakaling sumuko, kabilang ang dokumentasyon, medical examination, at tamang turnover, at iginiit na wala siyang matatanggap na espesyal na trato. Santi Celario