Home HOME BANNER STORY Mga parak ipakakalat sa pasukan sa Hunyo 8

Mga parak ipakakalat sa pasukan sa Hunyo 8

37
0

MANILA, Philippines – Magde-deploy ng mga pulis sa buong bansa ang Philippine National Police (PNP) para tiyakin ang seguridad ng mga paaralan, transport hubs, at pangunahing kalsada bago ang pagbubukas ng klase sa Hunyo 8, 2026.

Ayon kay PNP chief Police General Jose Melencio Nartatez Jr., inatasan ang lahat ng police units na palakasin ang visibility patrols, traffic management, at public assistance operations upang matiyak ang kaligtasan sa mga paaralan.

“We will deploy our personnel across all regions to establish a highly visible, reassuring police presence that deters criminals and ensures our schools remain secure, peaceful sanctuaries for learning,” ani Nartatez.

Tututukan ng operasyon ang mahigpit na pagpapatupad ng traffic rules, mas pinaigting na patrol, at pagpigil sa anumang kriminal na aktibidad o presensya ng mga gang malapit sa school zones.

Inatasan din ang mga police commander na makipag-ugnayan sa mga paaralan, barangay officials, at lokal na traffic offices, habang magtatayo ng police assistance desks sa mga strategic na lugar para sa agarang tugon sa mga reklamo at emerhensiya.

Hinikayat ng PNP ang mga magulang, barangay officials, at volunteers na makiisa sa pagpapanatili ng seguridad, lalo na sa mga mataong lugar kung saan maaaring maging biktima ng nakawan at panlilinlang ang mga estudyante.

“A safe school opening is a shared responsibility, and we highly encourage parents, barangay officials, and local volunteers to actively collaborate with our personnel on the ground through quick reporting of suspicious individuals or activities,” ayon kay Nartatez.

Nauna nang in-activate ng Department of Education ang “Oplan Balik Eskwela” para sa School Year 2026–2027 bago ang pagbubukas ng klase sa Hunyo 8. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here