Home NATIONWIDE Visayas grid inilagay sa Red, Yellow AlertNATIONWIDETOP STORIES Visayas grid inilagay sa Red, Yellow AlertMay 29, 2026 13:00320 FacebookTwitterPinterestWhatsApp MANILA, Philippines – Isasailalim sa Red at Yellow Alert ngayong Biyernes, Mayo 29 ang Visayas grid.Ayon sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), ang red alert ay nakataas mula alas-6 ng gabi hanggang alas-7 ng gabi.Yellow alert naman ang nakataas mula alas-3 ng hapon hanggang alas-6 ng gabi, at alas-7 ng gabi hanggang alas-10 ng gabi.Nangangahulugan ang yellow alert na ang mga planta ay mas mababa ang nagagawang kuryente mula sa contingency requirement ng grid.Sa ilalim naman ng red alert ay mas mababa ang generation kaysa sa demand at posible ang rolling power outages.Sinabi ng NGCP na ang available grid capacity ay nasa 2,562MW, ngunit ang peak demand ay inaasahang aabot sa 2,542MW.Dagdag pa ng ahensya, mayroong 11 planta sa Visayas ang hindi gumagana mula noong Mayo, at isa naman mula noong Marso.Ito na ang ikatlong sunod na linggo na itinaas sa babala ang Visayas grid. RNT/JGC