MANILA, Philippines – Hinimok ni Senador Risa Hontiveros ang mga kasamahan sa Senado na tigilan na ang pagsasayang ng oras na pag-usapan ang partisipasyon ng mga senador sa pamamagitan ng videoconferencing at sa halip ay tutukan ang hakbang na magpapalakas sa batas ng bansa laban sa online sexual abuse and exploitation of children (OSAEC).
Sa pag-convene ng Senado bilang impeachment court at ilang mga senador na mahaharap sa mga kaso at posibleng pag-aresto, nagkaroon ng mainitang diskusyon kamakailan sa sesyon ng Senado sa panukalang payagan ang mga senador na lumahok at bumoto online na tinutulan naman ng mga miyembro ng minority bloc.
Sinabi ni Hontiveros, dating chairman ng Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality, na dapat tutukan ng liderato ng Senado ang “doing right by our children.”
“Here in the Senate, we should stop wasting time on the issue of videoconferencing for senators and instead focus on important and real issues, such as the abuse of our children,” ayon pa sa senador.
Nag-isyu ng panawagan ang senador matapos na mapunta sa ika-15 pwesto ang Pilipinas sa global index na sumusukat ng tugon ng mga bansa sa child sexual violence.
“Ranking 15th in the global index on child sexual violence response is certainly not satisfactory. It is not enough. We cannot be ranked second globally as a hotspot for online sexual abuse and exploitation of children while responding to the problem at such a low level,” sinabi ni Hontiveros sa kapareong pahayag.
Ayon kay Hontiveros, ang ranking ay nagpapakita ng pangangailangan ng Senado na magpasa ng mga panukalang magpapalakas sa Anti-OSAEC Law dahil sa Artificial Intelligence (AI) at iba pang emerging technologies na nagdudulot ng panganib sa mga bata.
“It all the more makes it urgent for us in the Senate to pass the strengthened Anti-OSAEC Law that we, together with law enforcement and other stakeholders, are currently working on,” anang senador.
Layon ng panukalang hakbang na tugunan ang AI-generated child sexual abuse materials at panagutin ang sexual at sadistic extortion ng mga bata na inilarawan ni Hontiveros bilang “disturbing new trend.”
“We need to ensure that rapidly changing technologies, especially AI-generated abuse material, cannot be weaponized against our children,” giit ni Hontiveros.
Ayon sa senador, ang panukala ay inaprubahan na ng Kamara at ngayon ay nasa period of amendments sa Senado.
Sa kabila nito, ang chairpersonship para sa nasabing komite ay idineklarang bakante kasunod ng kudeta sa Senado na nangyari noong Mayo 11 at ang panukala ay nananatiling “in limbo.” RNT/JGC