Home NATIONWIDE Mga senador alam sasapitin kung tutulungan si Bato – PNP

Mga senador alam sasapitin kung tutulungan si Bato – PNP

25
0

MANILA, Philippines – Alam ng mga senador ang kanilang sasapitin kung mapatutunayang tinulungang makatakas si Senador Ronald “Bato” Dela Rosa, ayon sa Philippine National Police (PNP) nitong Biyernes, Mayo 29.

Nauna nang naghain ng reklamong obstruction of justice ang PNP Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) laban kay Senador Robin Padilla at lima iba pa sa pag-alis ni Dela Rosa sa Senado noong Mayo 14.

Sa kabila nito, sinabi ng CIDG na posibleng mas marami pang indibidwal ang maiugnay sa pagtakas ni Dela Rosa sa kanilang gagawing imbestigasyon.

Nang tanungin naman kung ano ang gagawin ng PNP sa oras na mapatunayang may iba pang mga senador ang tumulong kay Dela Rosa, sinabi ni PNP chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. na, “They know the consequences, especially if it’s coddling or helping a person with a warrant.”

Sagot naman ni Nartatez kung ang tinutukoy niyang isasama sa imbestigasyon ay ang mga miyembro ng Senate majority bloc kung saan bahagi sina Dela Rosa at Padilla, sinabi nito na “Yes. The records of investigation have already been forwarded to the DOJ. They are the prosecutors. We are the producers of the evidence.”

Si Dela Rosa ay wanted ng International Criminal Court (ICC) sa umano’y partisipasyon nito sa madugong war on drugs ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Noong Mayo 20, ipinag-utos ng DOJ sa PNP at National Bureau of Investigation na ipatupad ang warrant of arrest ng ICC laban kay Dela Rosa. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here