
Pasay City — Muling nagbigay-pugay si Senador Mark A. Villar sa mga natatanging nagtapos sa kolehiyo mula sa iba’t ibang institusyon ng mas mataas na edukasyon bilang pagkilala sa kanilang kahusayan sa pamumuno, akademya, at paglilingkod sa kanilang mga komunidad.
Kabilang sa mga pinarangalan ngayong taon sa Mark Villar Leadership Awards, ang mga nagsipagtapos na lider-estudyante mula sa Zamboanga Peninsula Polytechnic State University, Cebu Normal University, at Marinduque State University.






