Home NATIONWIDE Suhestyon ni Lacson para makadalo mga senador kahit nakakulong, magpaalam sa korte

Suhestyon ni Lacson para makadalo mga senador kahit nakakulong, magpaalam sa korte

77
0

MANILA, Philippines – Iminungkahi ni Senador Panfilo “Ping” Lacson na humingi ng pahintulot sa korte ang Senate impeachment court upang makadalo nang personal sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte ang mga senador na posibleng maaresto o makulong.

Ayon kay Lacson, maaaring mag-request ng “leave of court” sa Sandiganbayan o iba pang korte para payagang ma-escort ng BJMP ang mga senador patungong Senado bilang senator-judges.

Giit niya, hindi puwedeng online participation dahil pinapayagan lamang ito sa ilalim ng Senate rules kapag may force majeure o national emergency.

“Hindi naman puwedeng work-from-jail,” ani Lacson sa panayam sa DZBB.

Binigyang-diin niya na kailangang pisikal na dumalo ang mga senador para makalahok sa impeachment trial.

Lumutang ang usapin matapos tutulan ng minority senators ang panukalang pag-amyenda sa Senate rules na anila’y maaaring magpahintulot kay Senador Ronald “Bato” dela Rosa na dumalo at bumoto online habang hinaharap ang ICC arrest warrant.

Sa ilalim ng Konstitusyon, kailangan ang 16 boto mula sa 24 senador upang mahatulan ang isang impeached official. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here