Home NATIONWIDE Drayber, may-ari ng jeep at armored van na sangkot sa banggaan sa...

Drayber, may-ari ng jeep at armored van na sangkot sa banggaan sa QC ipinatawag ng LTO

140
0

MANILA, Philippines – Ipinatawag ng Land Transportation Office (LTO) ang registered owners at mga drayber ng modern jeepney at armored van na sangkot sa banggaan sa Quezon City.

Sa ulat mula sa Quezon City Police District, sinabi ng LTO na ang insidente ay nangyari nitong Biyernes ng umaga, Mayo 29 sa Quezon Avenue sa Quezon City kung saan 25 pasahero ang nagtamo ng sugat at agad dinala sa ospital.

Nag-isyi na ng show cause orders ang LTO sa dalawang partido at pinahaharap sa pagdinig sa Hunyo 4.

Inatasan din ang mga ito na magpasa ng verified explanation kung bakit hindi sila dapat panagutin sa reckless driving at kung bakit hindi dapat suspendihin o bawiin ang kanilang mga lisensya sa pagiging ‘Improper Person to Operate a Motor Vehicle.’

Inatasan din ang mga registered owner o operator ng mga sasakyan na magpaliwanag kung bakit hindi sila dapat kasuhan sa pagtanggap ng reckless, insolent, discourteous o aroganteng drayber.

“Failure on your part to attend/submit your Comment/Explanation shall be considered as a waiver of your right to be heard, and this Office shall proceed and complete the investigation in its absence,” saad sa show cause orders.

“You may opt to be assisted by counsel during the investigation,” dagdag pa sa direktiba.

Inilagay na sa alarm status ang mga sangkot na sasakyan habang sinuspinde naman ng 90 araw ang lisensya ng mga drayber. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here