MANILA, Philippines – Itinanggi ni dating AnaKalusugan Rep. Mike Defensor na humingi siya at nakakatanggap ng kahit anong pabor sa donasyon na binigay niya sa kampanya ni Senador Rodante Marcoleta noong 2025 midterm elections.
Dahil dito, sinabi ni Defensor na ang donasyon ay hindi maaaring ikonsidera bilang plunder.
“’Yun yung campaign donation na dinismiss na ng Comelec. Ang plunder, kailangan ng pondo ng gobyerno, ninakaw natin, o ‘di kaya… may ibinigay na pera pagkatapos may kapalit. Eh wala namang kapalit, wala namang hinigi,” ani Defensor.
Sina Marcoleta, Defensor at dalawa iba pa ay nahaharap sa reklamong plunder at indirect bribery sa Ombudsman sa pagtanggap ng P75 milyong campaign donation.
Noong Martes, nag-isyu ang Sandiganbayan Seventh Division ng precautionary hold departure order sa mga respondent sa pag-alis ng bansa. RNT/JGC