MANILA, Philippines – Nagpiyansa ng ₱90,000 si dating Public Works Secretary Manuel Bonoan sa Sandiganbayan Second Division noong Biyernes upang makuha ang pansamantalang kalayaan kaugnay ng kasong graft na isinampa laban sa kanya.
Ayon kay Sandiganbayan Presiding Justice Geraldine Econg, nakapagpiyansa si Bonoan sa kasong may kaugnayan sa umano’y anomalya sa flood control projects.
“Yes,” sagot ni Econg nang tanungin kung nakapagpiyansa na ang dating kalihim.
Nauna rito, nakapagpiyansa rin ng ₱90,000 si Senador Jinggoy Estrada para sa kaparehong kaso sa parehong araw.
Parehong nahaharap sina Bonoan at Estrada sa isa pang kaso ng graft at plunder sa Sandiganbayan Fifth Division.
Ayon sa Ombudsman prosecutors, si Estrada umano ay nakatanggap ng hanggang ₱573 milyon na kickbacks mula sa flood control projects sa tulong ng apat pa niyang kapwa akusado, kabilang si Bonoan. RNT/MND