Home NATIONWIDE Notification system ng mga parcel, pinalakas ng PHLPost

Notification system ng mga parcel, pinalakas ng PHLPost

46
0

MANILA, Philippines – Pinalalakas ngayon ng PHLPost ang kanilang notification system upang hindi na mangapa ang publiko sa kanilang mga parcel na naantala.

Paliwanag ng PHLPost, may dahilan kung bakit nangyayari na natatagalan at normal lang ang pagkaantala ng mga parcel.

“Alam naming frustrating ang maghintay, lalo na kapag hindi malinaw kung nasaan na ang parcel,” sabi ng PHLPost. “Kaya tuloy-tuloy naming pinapabuti ang communication para mas maintindihan ng customers ang journey ng kanilang parcel bago ito makarating sa kanilang doorstep.”

Ayon pa sa PHLPost, pagdating sa Pilipinas ay  hindi agad napupunta sa post office ang parcel. Dumadaan muna ito sa Bureau of Customs (BOC) para sa inspection at verification. Sine-check dito kung may babayarang duties o taxes, kung kumpleto ang documents, o kung kailangan pa ng additional verification depende sa laman ng package.

May mga parcel na mabilis lang ma-clear. Pero may mga kailangan ng proof of purchase, invoice, permits, o iba pang requirements bago i-release ng BOC. Sa side ng customer, parang “wala nang update”. Pero sa totoo lang, ongoing pa rin ang checking at clearance process.

Makakatanggap ng notification sa pamamagitan ng text , email o magpapadala ng letter notice ang PHLPost kung may kailangan kang isumite para ma-release ang parcel.

Payo ng PHLPost,  agad na makipag-coordinate sa local post office para maiwasan ang dagdag delay.

Layunin ng PHLPost na mas maintindihan ng publiko ang “behind-the-scenes” process ng international deliveries para mabawasan ang pag-aalala ng mga naghihintay. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here