Home ENTERTAINMENT Mayor Christian, target si Joko sa biopic, bet ding makilala si Rhian!

Mayor Christian, target si Joko sa biopic, bet ding makilala si Rhian!

38
0

Manila, Philippines – Sa mga hindi nakakaalam ay nagkaroon na ng mga cameo role si Malolos Mayor Christian Natividad sa mga pelikula ni Bong Revilla at ng iba pang action stars.

Bukod dito ay naging Optical Media Board (OMB) chairman na rin siya after ng pamunuan ni Ronnie Ricketts.

Sa courtesy call ng Philippine Movie Press Club (PMPC) sa office ni Mayor Christian sa New Malolos Coty Hall ay nabanggit niya na kung sakaling gagawing pelikula ang kanyang buhay ay mas gusto niya na si Joko Diaz ang bumida sa kanyang biopic.

Idol kasi ni Mayor Christian si Joko at bilib siya sa galing nito sa pelikula.

Naniniwala rin si Mayor Christian na mas babagay si Joko na gumanap sa kanyang katauhan sa pelikula kesa sa ibang artista.

Kung papipiliin naman si Mayor Christian kung sino ang crush niya sa mga female celeb ay walang kakurap-kurap na nabanggit niya ang pangalan ni Rhian Ramos.

Lagi raw niya kasing pinapanood si Rhian noon sa Pinoy adaptation ng Stairway to Heaven at kung mabibigyan ng chance ay guato raw niya itong makilala.

Kung matatandaan ay ang negosyanteng si Sam Verzosa ang last jowa ni Rhian, na tumakbo sa pagka-Mayor sa Maynila ngunit natalo.

Kapag nagkataon, biro ng mga taga-PMPC ay from would-be mayor to mayor ang magiging drama ni Rhian.

Pinagmalaki rin ni Mayor Chrstian ang kanyang organic version ng flood control na matagal na niyang project at ini-implement na ngayon sa Malolos.

Ito ay ang nature-based flood mitigation project ni Mayor Christian.

Sa halip na puro konkretong flood control structures, ang konsepto nito ay paggamit ng natural at environmental solutions para mabawasan ang pagbaha, lalo na sa Isla ng Pamarawan at coastal areas ng Malolos.

Kasama sa proyekto ni Mayor Christian ang: pagtatanim at restoration ng mga bakawan (mangroves), sediment trapping systems para natural na maibalik ang shoreline, green embankments o natural dikes at ang enhanced breakwater structures para mabawasan ang impact ng alon at storm surge.

Maganda ang kanyang proyekto at sinisilip na ito ngayon ng mga negosyante at ng national government.

Magaling at madiskarte si Mayor Christian kaya marami na ang umuurot sa kanya na tumakbo bilang governor ng Bulacan sa 2028.

Why not? JP Ignacio

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here