
Bilang bahagi ng patuloy na pangako nito sa pagsuporta sa edukasyon at pagpapagaan ng pinansiyal na pasanin sa mga pamilya, ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas ay namahagi ng cash incentives sa mga estudyanteng Navoteño na nagtapos sa mga pampublikong paaralan ng lungsod para sa taong panuruan 2025-2026.
May kabuuang 3,776 Grade 6 completers ang nakatanggap ng P500 bawat isa, habang 1,986 Grade 12 completers ang nabigyan ng P1,000 bawat isa.






