Home NATIONWIDE Habagat magpapa-ulan sa bahagi ng Luzon, Visayas

Habagat magpapa-ulan sa bahagi ng Luzon, Visayas

27
0

MANILA, Philippines – Magdadala ang southwest monsoon o habagat ng maulap na kalangitan at pag-ulan sa ilang bahagi ng Luzon at Visayas ngayong Hunyo 1, ayon sa PAGASA.

Apektado ng habagat ang Central Luzon, Southern Luzon, at kanlurang bahagi ng Visayas. Dahil dito, makararanas ang Metro Manila, Central Luzon, CALABARZON, Bicol Region, MIMAROPA, at Western Visayas ng kalat-kalat na pag-ulan at pagkulog-pagkidlat.

Samantala, ang iba pang bahagi ng bansa ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang maulap na panahon na may mga panaka-nakang pag-ulan o thunderstorms dulot ng localized thunderstorms.

Nagbabala ang PAGASA sa posibleng pagbaha at pagguho ng lupa sa mga lugar na makararanas ng katamtaman hanggang malakas na ulan o matitinding thunderstorms.

Patuloy ring pinalalakas ng Bagyong Domeng ang habagat. Bandang alas-3 ng madaling araw, namataan ang sentro ng bagyo 650 kilometro silangan-hilagang silangan ng Itbayat, Batanes. Taglay nito ang lakas ng hanging 130 kph at pagbugsong hanggang 160 kph habang kumikilos pahilagang-kanluran sa bilis na 15 kph.

Inaasahan din ang katamtaman hanggang malalakas na hangin at maalon na karagatan sa Extreme Northern Luzon, habang magaan hanggang katamtamang hangin naman ang mararanasan sa natitirang bahagi ng bansa. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here