MANILA, Philippines – Nasa kabuuang 85,295 indibidwal o 17,059 pamilya ang apektado ng Bagyong Domeng matapos ang mga naitalang pagbaha sa bahagi ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), sinabi ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Sa report nitong Linggo, Mayo 31, sinabi ng NDRRMC na wala namang kinailangang ilikas sa evacuation centers.
Iniulat ang mga pagbaha sa 37 lugar sa buong rehiyon.
Umabot naman sa P3.4 milyon ang halaga ng infrastructure damage sa BARMM. RNT/JGC