Home NATIONWIDE 13 na patay sa gumuhong gusali sa Angeles City

13 na patay sa gumuhong gusali sa Angeles City

38
0

MANILA, Philippines – Umakyat na sa 13 ang bilang ng mga nasawi sa gumuhong gusali sa Barangay Balibago, Angeles City, Pampanga, ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP) Region 3.

Sa update, sinabi ng BFP Region 3 na may narekober na panibagong katawan mula sa guho bandang 12:59 ng hapon sa nagpapatuloy na search, rescue, at retrieval operations.

“The 13th confirmed casualty has been extricated from the collapse site,” sinabi ng BFP Region 3.

Dahil dito ay nasa 13 ang kumpirmadong bilang ng mga nasawi, pito ang nawawala, at 27 ang nasagip sa insidente. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here