Home NATIONWIDE LGBTQ+ nagkasa ng protesta sa pagbubukas ng Pride Month

LGBTQ+ nagkasa ng protesta sa pagbubukas ng Pride Month

20
0
Photo from Eric Ocapan

MANILA, Philippines – Nagkasa ng kilos-protesta ang LGBTQ+ at iba’t-ibang organisasyon ngayong umaga ng Lunes, Hunyo 1, sa pagbubukas ng Pride Month.

Sa pangunguna ng Bahaghari ay nanindigan ang grupo na ang PRIDE ay isang porma ng protesta laban sa burukrata at kapitalismo.

“Pahirap na korap at buwis alisin. Giyerang agresyon puksain,” sigaw pa ng LGBTQ+.

Ito ay protesta laban sa diskriminasyon, at protesta laban sa imperyalistang interbensyon.

“Hangga’t may bakla, lesbyana, trans na nakararanas ng gutom, digmaan, kahirapan, at diskriminasyon—ANG PRIDE AY PROTESTA!,” pagdidiin ni Yell Teresa, pambansang tagapagsalita ng Bahaghari.

Naging maayos at payapa naman ang aktibidad kung saan agad din itong natapos at nilisan ng grupo ang Mendiola. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here