Home NATIONWIDE P14.1M abandonadong ismagel na sigarilyo narekober sa Zamboanga City

P14.1M abandonadong ismagel na sigarilyo narekober sa Zamboanga City

64
0

MANILA, Philippines – Iniimbestigahan na ng mga awtoridad ang nagmamay-ari ng P14.1 milyong halaga ng ismagel na sigarilyo na inabandona sa Barangay Sangali, Zamboanga City.

Sa report, sinabi ng Zamboanga City Police Office (ZCPO) na ang mga ismagel na sigarilyo ay narekober nitong Linggo ng hapon, Mayo 31 sa labas ng isang abandonadong bahay sa Sitio Malasugat, Barangay Sangali.

Nakumpirma na ang mga narekober ay mga kahon na naglalaman ng mga sigarilyo.

“No person came forward to claim ownership of the items,” saad sa report ng ZCPO.

Nasa kabuuang 95 master cases at 38 reams ng ismagel na sigarilyo ang narekober na nagkakahalaga ng P14.1 milyon.

“We are now working to identify the people behind the shipment and tracing how the smuggled cigarettes were transported to Sitio Malasugat,” dagdag ng ZCPO.

Itinurn-over na ang mga ismagel na sigarilyo sa Bureau of Customs para sa tamang disposisyon. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here