MANILA, Philippines – Ipinahayag ni Senador JV Ejercito ang kanyang kalungkutan matapos arestuhin ang kanyang kapatid na si Senador Jinggoy Estrada kaugnay ng kasong plunder na may kaugnayan sa umano’y anomalya sa mga flood control project.
Nanatili si Ejercito, na kabilang sa Senate minority bloc, sa session hall habang hindi dumalo ang mga senador ng mayorya, dahilan upang walang sesyon na maisagawa dahil sa kakulangan ng quorum.
Bago ang pag-aresto, sinamahan ni Senate President Alan Peter Cayetano si Estrada sa Camp Crame kung saan isinailalim ito sa mga kinakailangang proseso matapos ang kanyang pagsuko.
Matapos ihinto ng minorya ang paghihintay sa mayorya, sinabi ni Ejercito na ipinanalangin niya ang kanyang kapatid upang magkaroon ito ng lakas ng loob na harapin ang mga paratang laban dito.
“Ipinalangin ko na magkaroon siya ng lakas ng loob na harapin itong mga akusasyon sa kanya, kaya lang sa huli, siyempre kailangan manaig ‘yung katotohanan saka ‘yung hustisya,” ani Ejercito.
“Bilang kapatid… at kasama, nalulungkot din ako para sa kanya at sa kanyang pamilya. Kailangan natin umusad ang batas,” dagdag niya. RNT