Home NATIONWIDE Big-time tulak arestado sa P6.8M shabu sa Tawi-Tawi

Big-time tulak arestado sa P6.8M shabu sa Tawi-Tawi

15
0

MANILA, Philippines – Inaresto ng mga awtoridad ang umano’y big time tulak sa Tawi-Tawi matapos makumpiska ang isang kilo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P6.8 milyon nitong Lunes, Hunyo 2, ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Ayon kay Edgar Jubay, PDEA-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao regional director, ang suspek ay inaresto sa buy-bust operation sa Barangay Poblacion, Bongao.

Ani Jubay, ang operasyon ay pinangunahan ng PDEA-Tawi-Tawi at suportado ng Philippine Marines, lokal na pulisya at Philippine Coast Guard – Bongao.

Kinilala ang suspek sa alyas na “Utoh,” 27, isang tricycle driver at residente ng Barangay Poblacion.

Narekober sa kanya ang isang plastic bag na naglalaman ng iligal na droga, marked money at mobile phone.

Nasa kustodiya na ng Bongao municipal police ang suspek at nahaharap sa reklamong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here