Home METRO Visayas Grid, nasa yellow alert pa rin sa ikaapat na sunod na...

Visayas Grid, nasa yellow alert pa rin sa ikaapat na sunod na linggo

11
0

MANILA, Philippines – Nanatiling nasa Yellow Alert ang Visayas Grid ngayong Miyerkules, Hunyo 3, ayon sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).

Ipatutupad ang Yellow Alert mula 4:00 p.m. hanggang 9:00 p.m. habang inaasahang tataas ang konsumo ng kuryente sa rehiyon.

Ayon sa NGCP, nasa 2,552 megawatts (MW) ang available na kapasidad ng grid, habang inaasahang aabot sa 2,392 MW ang peak demand.

Sinabi rin ng NGCP na 10 planta ng kuryente ang hindi pa rin nag-ooperate mula pa noong Hunyo, 9 na planta ang hindi gumagana mula Mayo, at isa pang planta ang out of service mula pa noong Marso.

Ang Yellow Alert ay inilalabas kapag ang suplay ng kuryente ay mababa at hindi sapat ang reserbang kinakailangan ng grid sakaling magkaroon ng aberya sa mga planta.

Ito na ang ikaapat na magkakasunod na linggo na isinailalim sa Yellow Alert ang Visayas Grid.

Ayon sa mga eksperto, mas madalas ang kakulangan sa suplay ng kuryente tuwing mainit na panahon dahil tumataas ang paggamit ng mga cooling devices tulad ng electric fan at air conditioner, na nagpapalaki sa demand sa kuryente. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here