MANILA, Philippines – Mahigpit na ipinag-utos ni Senate President Alan Peter Cayetano sa lahat ng opisyal ng Senado na panatilihing bukas ang mga pasilidad ng Mataas na Kapulungan sa June 4 para sa nakatakdang pagdinig ng Blue Ribbon Committee sa flood control scam.
Unang inutos ito ni Cayetano sa isang online broadcast nitong June 3, 2026 matapos ang tinawag niyang iligal na kudeta na isinagawa ng labindalawang senador na nagluklok kay Win Gatchalian bilang Senate President Pro Tempore.
Nang gabing iyon, naglabas si Cayetano ng memo para sa lahat ng opisyal at empleyado ng Senado bilang paalala sa kanyang kapangyarihang magsagawa ng mga opisyal na gawain at ituloy ang mga nakatakdang pagdinig ng mga komite kahit nasa panahon ng sine die adjournment ang Senado.
“I’m issuing a memo to the Secretariat and to the Office of the Sergeant-at-Arms to keep the Senate open tomorrow. We will have the Blue Ribbon Committee (hearing). As Senate President, nasa authority ko po ang premises ng Senado,” wika ni Cayetano, na partikular na nag-uutos kila Acting SAA Manuel Parlade at Senate Secretary Atty. Jose Montales.
Noong May 29, inanunsyo ni Cayetano na magpapatuloy ang Blue Ribbon Committee, sa ilalim ng pamumuno ni Senador Pia Cayetano, sa imbestigasyon tungkol sa kontrobersiyal na flood control scam.
Nagpadala na ang komite ng mga imbitasyon kay dating House Speaker at Leyte First District Representative na si Martin Romualdez, sa 18 dating Marino na nagpatibay sa kanilang naunang testimonya sa komite, kay retired Sergeant Orly Guteza, at sa iba pang kinatawan ng mga ahensiya ng gobyerno.
Matapos ang iligal na takeover ng grupo ni Gatchalian at ang pagpapalit sa Senate Secretary, Acting SAA, pati ang pagdedeklara ng bakante sa pamunuan ng lahat ng komite ng Senado – na aniya ay labag sa batas – nagbabala si Cayetano sa mga opisyal ng Senado na huwag hadlangan ang pagpasok sa Senate complex.
“Do not padlock the Senate. Do not have an excuse na may rally. Parati namang may rally sa Senado. Do not tempt the Filipino people to come out in thousands, hundreds of thousands, and millions… I will go to the Senate before 10 o’clock. I will do what I can to open the session hall and our hearings will be there,” aniya sa mga opisyal ng Senado.
Dagdag pa niya, mas dapat maging interesado ang publiko sa testimonya ng 18 ex-Marines dahil sa mga naganap na pangyayari.
Binanggit niya na si Senador Erwin Tulfo pa ang itinalaga bilang chairperson ng komite gayong itinuro ito ng mga Marino bilang isa sa mga umano’y tumanggap ng kickback mula sa mga proyekto sa flood control.
“Senator Erwin is not the legal chairperson of the Blue Ribbon Committee. Senator Pia Cayetano is the chairperson because there was no quorum. There was no session under the law that took place,” wika ni Cayetano. Aniya, 13 ang kinakailangang bilang para magkaroon ng quorum at mga lehitimong mosyon.
Nanawagan din si Cayetano sa mga empleyado ng Senado na magsalita laban sa aniya’y iligal na takeover ng mga senador.
“I believe that all of you love the Senate. So, it’s time to speak up, to tell your bosses – whether sila y’ung nasa Majority o Minority – that we won’t stand for this (illegal coup),” sabi niya.
“Because, there’s no difference of padlocking the Senate during Martial Law sa ginagawa nila ngayon na pinupunit, binubura, binabasura, at sinusunog ang ating Philippine Constitution,” dagdag niya. Ernie Reyes