Home NATIONWIDE Panukalang magpapakulong, P2M multa sa magpapakalat ng fake news aprub sa Kamara

Panukalang magpapakulong, P2M multa sa magpapakalat ng fake news aprub sa Kamara

3
0

MANILA, Philippines – Nakapasa na sa huling pagbasa ng Kamara ang anti-false information bill na magpaparusa ng pagkakulong at multang P2 milyon para sa mga mapatutunayang nagpapakalat ng fake news.

Sa plenary session nitong Miyerkules, Hunyo 3, bumoto ang mga mambabatas 286-3-0 pabor sa pag-apruba sa House Bill 9465 o Digital Media Anti-False Information Act sa ikatlong pagbasa.

Sa ilalim ng panukala, ang mga indibidwal na mapag-aalamang guilty ng “knowingly and deliberately creating, financing, directing or materially assisting false information intended to cause verifiable public harm or pose a serious threat to national security” ay maaaring makulong ng anim hanggang 12 taon at multang mula P500,000 hanggang P2 milyon.

Sakop ng panukala ang nagpapakalat ng artificial intelligence (AI)-generated o manipulated images, videos, at audio na inilalabas ng walang kaukulang disclosure at layong guluhin ang publiko.

Siniguro naman ni Speaker Faustino “Bojie” Dy III, isa sa mga may-akda ng panukala, na ito ay pinag-aralang mabuti para maproteksyunan ang constitutional freedoms.

“It does not punish criticism, dissent, political opposition, journalism or honest mistakes. What it targets are deliberate and coordinated efforts to deceive the public and inflict harm,” saad sa pahayag ni Dy.

Aniya, ang panukala ay nagtatakda ng mataas na threshold para sa criminal liability at pumuprotekta sa political opinions, kritisismo ng mga opisyal ng pamahalaan, satire, journalism, whistleblowing, academic discourse, artistic expression, at religious expression.

Sinasabi rin sa hakbang na ang pagla-like, pagsi-share o pag-forward, maging ang reposting ng naturang content ay walang kaukulang parusa basta’t hindi makikitaan ng prosekusyon ng reasonable doubt na ang isang tao ay lumahok nang nalalaman niyang ang ginagawa niya ay isang disinformation activities. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here