Home NATIONWIDE US House aprub sa resolusyong magpapahinto sa giyera sa Iran

US House aprub sa resolusyong magpapahinto sa giyera sa Iran

2
0

UNITED STATES – Inaprubahan ng U.S. House of Representatives ang isang resolusyong naglalayong pigilan ang paglahok ng Amerika sa giyera laban sa Iran hangga’t walang pahintulot mula sa Kongreso.

Sa botong 215-208, sinuportahan ng Kamara ang Democratic-led war powers resolution. Apat na Republican lawmakers ang kumampi sa mga Democrat sa pagboto pabor sa panukala.

Ipinakita ng resulta ng botohan ang lumalaking pag-aalala ng mga mambabatas, kabilang ang ilang kaalyado ni US President Donald Trump, kaugnay ng nagpapatuloy na sigalot sa Iran.

Bagama’t naipasa sa House, simboliko pa lamang ang hakbang dahil kailangan pa itong aprubahan ng Senado bago maging epektibo.

Kakailanganin din ng dalawang-katlong boto sa parehong kapulungan upang mapawalang-bisa ang inaasahang veto ni Trump.

Ito na ang ikaapat na pagtatangka ng mga mambabatas na magpasa ng war powers resolution laban sa giyera sa Iran, at ayon sa ulat, paliit nang paliit ang agwat ng mga bumoboto kontra rito.

Noong nakaraang buwan, umusad din sa Senado ang kahalintulad na resolusyon matapos mabigo ang pitong naunang pagtatangka. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here