Home NATIONWIDE 1K indibidwal nag-aapply sa refugee status sa Pilipinas

1K indibidwal nag-aapply sa refugee status sa Pilipinas

2
0

MANILA, Philippines – May 1,000 katao ang nag-aaplay para sa refugee status o asylum sa Pilipinas, ayon sa isang opisyal ng Department of Justice (DOJ) nitong Huwebes, Hunyo 4.

Sa paglulunsad ng National Refugee Day 2026, sinabi ni DOJ-Refugees and Stateless Persons Protection Unit (RSPPU) head at Chief State Counsel Dennis Chan na karamihan ng mga aplikante ay mula sa Middle East at Africa.

Muling pinagtibay din ni Chan ang commitment ng bansa na tumulong sa mga refugee.

Samantala, may 1,000 kinikilalang refugee na rin sa bansa, ayon kay Chan.

“Ang dahilan ng paghahanap nila ng asylum ay ang pag-uusig na kanilang kinakaharap sa kanilang sariling bansa – maaaring dahil sa relihiyon, lahi, kasarian, political opinion, o pagiging miyembro ng isang social group,” paliwanag ni Chan.

Ang tema ng 2026 National Refugee Day ay “Solutions in Motion: Rebuilding Futures Together” o “Mga Solusyong Kumikilos: Magkasamang Muling Binubuo ang Kinabukasan.”

Binigyang-diin ni Chan na hindi makakamit ng isang institusyon lang ang pangmatagalang solusyon.

Ayon pa kay Chan, kailangan ng kooperasyon ng mga ahensya ng gobyerno, international organizations, civil society, mga institusyong pang-edukasyon, lokal na komunidad, at pribadong sektor.

Pero higit sa lahat aniya ay kailangan ang partisipasyon ng mga refugee at stateless persons mismo na ang mga karanasan at katatagan ay patuloy na gumagabay sa aming mga pagsisikap. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here