MANILA, Philippines – Tuluyan nang ikinanta ng 18 dating sundalo sa ginanap na pagdinig ng Senate Blue Ribbon committee ang paghahatid ng maletang salapi sa ilang personalidad sa gobyerno kabilang si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., at dating House Speaker Martin Romualdez.
Sa kanilang pagdalo sa ginanap na pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee na pinamumunuan ni Senador Pia Cayetano na kamalaunan, pinangunahan ni Senador Rodante Marcoleta bilang sub-committee chairman, ipinahayag ng 18 marines sa tulong ni Atty. Levito Baligod ang detalye sa paghahatid ng maletang pera sa indibiduwal galing sa flood control scandal.
Bukod kina Pangulong Marcos at Romualdez, idinawit din ng 18 dating Marines na nakinabang sa flood control scandal sa pangunguna ni dating Ako Bicol Rep. Zaldy Co sina dating Senate President Vicente Sotto III, Senador Erwin Tulfo at dating Senador ngayon, Mamamayang Liberal Rep. Leila De Lima.
Kabilang din sa idinadawit ng 18 dating sundalo ang ilang miyembro ng Makabvayan Bloc sa Mababang Kapulungan tulad nina Rep. France Castro, Raoul Manuel at Dela Lima na nakipagkita kay Co sa isang townhouse.
Ayon kay Johnny A. Buduan na nagtrabaho bilang driver-bodyguard-basurero sa loob ng pitong taon at isang buwan kay Co na naghahatid sila ng maleta ng pera na mayu posts-it-sticker kung magkano ang laman bawat sisidlan.
Sinabi ni Buduan na naghahatid sila ng maleta tatlo hanggang apat na beses kada linggo sa ilang indibiduwal simula nang magsilbi bilang appropriation chairman si Co sa Mababang Kapulungan.
Katunayan, aniya, may photos at videos sila sa paghahatid ng maleta kay Romualdez.
“Nadinig din namin na naghatid ng luggages kay PBMM,” ayon kay Buduan.
Sinabi pa ni Buduan na naghatid ng maleta sina Belnard Tube at Co sa Paoay, Ilocos Norte ng isang gabi sa isang lugar malapit sa lawa o dagat.
“Dumating sina Rep. Sandro Marcos. PBMM, at First Lady Liza Araneta Marcos kasama si Co noong 2022,” ani Buduan.
“We will compile in a USB,” ayon naman kay Baligod.
Anila, nagsimula silang maghatid ng maleta kay Romualdez noong Setyembre 2022 hanggang December 23, 2022 sa No. 42 McKinley Street, sa pagitan ng Dasmarinas Village at Forbes Park sa Makati.
“After that, we delivered to 14 Narra St., (South Forbes, Makati). Mayordomo Joselyn received the luggage; other people are not familiar to us by name, only by face,” ayon sa testimonya ng isa pang marine.
Kasabay nito, inihayag naman ni Belhard Tube na kasama siya sa advance team na papunta sa isang gusali sa Baclaran na pawang opisina umano ni Sotto.
“I guided Co through the basement; he was with Mark Ticsay, Paul Estrada abd Dichoso,” ayon kay Tube na walang binanggit kung naghatid sila ng maleta o nakita niya mismo ang paghahatid ng maleta sa naturang senador.
Sinabi naman ni Bernard Gumban na naghatid sila ng maleta kay Sen. Erwin Tulfo ng dalawang beses na sa unang pagkakataon, isang maliit at isang medium size na maleta at anim na maliliit na maleta sa ikalawang pagkakataon.
“This was in his house in Greenhills, which he confirmed via asking Mark Ticsay abnd the contact in the house communicated to deliver the house. I entered the house and reached the basement while delivering,” ayon kay Tube.
Ayon naman kay Rosebert Waupan, na nakapaghatid din sila ng maleta kina Castro na may regular na pulong kay Co kabilang sina Manuel, Delia sa isang townhouse.
“They have a chat group where they share screenshots of deliveries, forwarded to Co who forwarded to recipients for verification. April 18 (Tuesday), chat confirming kickbacks for Francs Castro, Arlene Brosas, Tonchi Tinio in the chat group, with messages from Police Capt. Alvin Nuguit,” ayon kay Baligod.
“I was outside duty for Fr. Flavie Villanueva, I delivered cash in an envelope to a church on Mindanao Avenue. I delivered one luggage to. Rep. Terry Ridon in President Tower, Quezon City,” ayon naman kay Joely Cadiao.
Narito ang pangalan ng lahat ng dating Marines na dumalo sa Senado ngayon: