MANILA, Philippines – Opisyal na kinilala ng Holy See ang National Shrine and Parish of St.Padre Pio bilang isang International Shrine.
Inilabas sa Vatican City, sa opisina ng Dicastery for Evangelization, ang decree noong May 25, 2026, kasabay ng paggunita sa ika-139 na anibersaryo ng kapanganakan ni St. Padre Pio.
Ang pagkilalang ito ay patunay ng lumalawak nitong papel bilang lugar ng panalangin at pilgrimage.
Isa ring mahalagang milestone ang pagkilala para sa shrine at sa mga deboto nito.
Patuloy namang hinihikayat ang mga deboto na magdasal at maghanda para sa pormal na pagdiriwang ng International Shrine sa darating na September 23, Feast Day ni St. Padre Pio. Jocelyn Tabangcura-Domenden