Home NATIONWIDE Malaking supermarket nilamon ng apoy sa Bulacan

Malaking supermarket nilamon ng apoy sa Bulacan

2
0

Bulacan – Isang malakas na sunog ang sumiklab sa malaking bahagi ng supermarket sa lungsod ng Baliwag nitong umaga ng Hunyo 4.

Sa ulat, naganap ang insidente bandang 10:00 ng umaga sa Ultramega supermarket sa nasabing lungsod.

Dahil dito, agad rumesponde ang Baliwag City Fire Station katuwang ang Baliwag City Disaster Risk Reduction and Management Office, Baliwag City Public Order and Safety Office at Baliwag City PNP upang makontrol ang sitwasyon at maiwasan ang pagkalat ng apoy.

Sa lakas ng apoy ay tumulong na rin ang iba pang fire volunteers mula sa lungsod at karatig na bayan na kalaunan ay naapula rin ito.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga kinauukulan upang matukoy ang sanhi ng sunog.

Pinapayuhan ang publiko na umiwas muna sa lugar at magbibigay-daan sa mga emergency responders na kasalukuyang nagsasagawa ng kanilang operasyon.

Sinusulat ito, walang impormasyon o naiulat na nasaktan o nasawi sa nasabing insidente. Dick Mirasol III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here