MANILA, Philippines – Inanyayahan ni Pangulong Volodymyr Zelenskyy ng Ukraine si Pangulong Vladimir Putin ng Russia sa direktang pag-uusap upang wakasan ang mahigit apat na taong digmaan sa pagitan ng dalawang bansa.
Sa isang bukas na liham na inilabas nitong Huwebes at ipinadala rin sa iba’t ibang bansa kabilang ang Estados Unidos, iminungkahi ni Zelenskyy ang isang pagpupulong ng dalawang lider upang simulan ang negosasyong pangkapayapaan na may kasamang ganap na tigil-putukan.
“The line from which diplomacy must begin,” ani Zelenskyy patungkol sa frontline, habang iginiit na pabor ang Ukraine sa “a full ceasefire for the duration of the negotiations. This is standard practice.”
Iminungkahi rin niya ang pagtatakda ng tiyak na petsa ng pagpupulong at binanggit ang Switzerland, Turkey at ilang bansang Arabo bilang posibleng pagdausan ng usapan.
“Do not be afraid to take the path out of this war. That is the main thing that is required of you now,” isinulat ni Zelenskyy.
“Ukraine proposes ending this war through direct engagement between us — and you. I am proposing a meeting…If you do not personally come to the conclusion that it is time to end this war, Ukraine will continue fighting for its existence.”
Nagbabala rin si Zelenskyy na maaaring makaapekto sa posisyon ni Putin ang patuloy na digmaan.
“It is a fact of Russian history that you know well: when Russia grows tired, change comes.”
Kinumpirma naman ng Kremlin na natanggap nito ang liham at ipapaalam kay Putin ang nilalaman nito.
Samantala, sinabi ni Pangulong Donald Trump na makabubuti kung magkikita ang mga lider ng Ukraine at Russia upang talakayin ang posibleng pagtatapos ng digmaan. RNT