Home NATIONWIDE HVI sa Cebu tiklo sa P442K shabu

HVI sa Cebu tiklo sa P442K shabu

3
0

MANILA, Philippines – Arestado ng mga awtoridad ang isang high-value drug suspect sa operasyon sa Carcar City, Cebu matapos makumpiska ang mahigit P442,000 halaga ng hinihinalang shabu, ayon kay Philippine National Police Drug Enforcement Group (PNP-DEG) chief Police Brig. Gen. Elmer Ragay.

Ang operasyon ay isinagawa 11:50 ng gabi ng Hunyo 2 sa Sitio Dungoan, Barangay Perrelos, Carcar City ng mga operatiba ng PNP-DEG Special Operations Unit 7, sa pakikipag-ugnayan sa Carcar City Police Station, Philippine Drug Enforcement Agency Regional Office 7, Integrity Monitoring and Enforcement Group 7, Cebu Police Provincial Office–Provincial Intelligence Team, at Regional Intelligence Unit 7.

Kinilala ang suspek sa alyas na “Exequel,” na nakalista bilang High-Value Individual (HVI).

Nakuha sa operasyon ang nasa 65 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P442,000, kabilang ang iba pang items.

Dinala na sa Carcar City Police Station ang suspek para sa dokumentasyon at paghahain ng reklamo.

Itinurn-over din ang mga ebidensya sa Regional Forensic Unit 7 para sa laboratory examination. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here