Home NATIONWIDE Revised K-10 curriculum inilunsad ng DepEd; SHS curriculum training sa Sulu pinahusay

Revised K-10 curriculum inilunsad ng DepEd; SHS curriculum training sa Sulu pinahusay

4
0

MANILA, Philippines – BINIGYANG-diin ng Department of Education (DepEd) ang matagumpay na rollout ng strategic training initiative para sa mga guro ng Kindergarten hanggang Grade 10 at Senior High School (SHS) sa lalawigan ng Sulu.

Hangad ng programa na itaas ang instructional competencies at ihanda ang mga public school teachers para sa curriculum reforms sa loob ng K-10 at SHS.

Layon din nito na paghusayin ang resulta ng pag-aaral sa hanay ng ga estudyante, na nakaayon sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para sa dekalidad na edukasyon.

Sa isang kalatas, muling inulit ni DepEd Secretary Sonny Angara ang commitment ng departamento na karampatan na access sa educational advancements, lalo na sa public schools sa malalayong lugar o remote areas.

“By equipping our educators in Sulu with a deeper mastery of these revised curricular standards, we are translating national policy into real classroom transformation,” ayon sa Kalihim.

Sakop ng strategic training ang tatlong ‘comprehensive phase’ na dinaluhan ng 3,648 mga guro, personnel, school heads at regional at division officials mula May 28 hanggang June 5.

Tinatayang may 2,583 mga tagapagturo ang nakiisa sa Revised K-10 curriculum training.

May 1,634 na nagpartisipa ang nakatala sa Phase 1 na isinagawa sa Mohammad Tulawie Elementary School mula May 28 hanggang 30.

Ang second phase ay isinagawa naman sa Bakud Elementary School mula May 31 hanggang June 2, nakapagtala ng 949 participants.

Nakatuon ang mga sesyon na ito sa mas mahusay na pag-unawa sa ‘revised K-10 framework, learning competencies, pedagogical approaches, instructional planning, at assessment practices.’

Samantala, ang Phase 3 ay isinagawa mula June 3 hanggang 5 sa Jolo School of Fisheries, nakapagtala ng 1,065 participants.

“It catered to specialized educators in Grade 6, 9, 10, Technology and Livelihood Education teachers and Senior High School,” ayon sa Kalihim.

Sa kabuuan, siniyasat ng mga guro ang strategic frameworks para paghusayin ang paghahanda ng mga mag-aaral para sa mas mataas na edukasyon, trabaho, entrepreneurship, at panghabambuhay na pag-aaral sa pamamagitan ng paghahanay ng mga classroom experiences sa industry demands. KRIS JOSE

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here