MANILA, Philippines – Inatasan ng Malakanyang ang lahat ng national government agencies na suportahan ang crime prevention efforts na naglalayong palakasin ang public safety at magtatag ng resilient communities.
Ang Memorandum Circular (MC) 120, nilagdaan ni Executive Secretary Ralph Recto sa pahintulot ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., noong May 21 at ipinalabas araw ng Sabado, inatasan ang lahat ng local government agencies at instrumentalities at local government units (LGUs) na tulungan ang National Police Commission (NAPOLCOM) sa pagpapatupad ng 2026 National Crime Prevention Program (NCPP).
Pangungunahan ng NAPOLCOM ang implementasyon ng 2026 NCPP sa pakikipagtulungan sa Philippine National Police, LGUs, at iba pang partner agencies.
“In accordance with their respective mandates, all departments, agencies, bureaus, and offices of the National Government are hereby directed, and all LGUs are hereby encouraged, to support the implementation of the 2026 NCPP, as well as the programs, activities, and projects specified there in,” ang mababasa sa MC 120.
Kaagad na magiging epektibo ang circular matapos na maipalabs.
Ang 2026 NCPP ay isang komprehensibong inisyatiba na dinisenyo para paghusayin ang crime prevention at public safety.
Kabilang sa layunin nito ang palakasin ang community-based crime prevention initiatives at gawing modernisado ang ‘law enforcement tools, technologies, at digital infrastructure.’
Hangad ng programa na palakasin ang ‘law enforcement capability at professionalism’ habang itinatatag ang national crime prevention knowledge management program.
Layon nito na paghusayin ang koordinasyon sa hanay ng kapulisan, prosekusyon, korte, corrections, at reintegration sectors upang matiyak ang ‘pinag-isa at epektibong criminal justice system.
“To ensure the success of the 2026 NCPP, it is necessary for all government agencies and instrumentalities, as well as local government units to support and cooperate in the implementation of the 2026 NCPP,” ang nakasaad pa rin sa kautusan.
Samantala, huhugutin naman ang kakailanganing pondo para sa implementasyon ng MC 120 mula sa kasalukuyan at available appropriations ng NAPOLCOM at iba pang kinauukulang ahensiya ng gobyerno. (KRIS JOSE)