Home ENTERTAINMENT Jake, ‘di sisirain ang ex, sumusuporta sa pag-aaral ng bagong jowa!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Jake, ‘di sisirain ang ex, sumusuporta sa pag-aaral ng bagong jowa!June 7, 2026 15:0530 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines – Naging malaking isyu noon ang naging hiwalayan nina Jake Cuenca at Chie Filomeno.Katunayan, inamin ni Jake sa isang podcast na walang breakup na nangyari sa kanila ng ex.Hindi man niya diretsahang tinutumbok, ang huli raw ang nang-ghost sa kanya.Anyway, aminado naman siyang nasaktan siya sa paghihiwalay nila ng ex na walang pasabi o walang naging pag-uusap.Kapag natatanong daw siya sa interview ay sinasabi lang niya ang totoo.Ayaw din niyang maging emosyunal dahil di niya bet na maging nega o sirain ang kanyang ex.Bilang lalake, hindi rin daw kasi siya iyong tipong kiss and tell.Tulad ng pagrespeto sa kanyang ina, gusto rin daw niyang bigyan ng respeto ang ex kahit pa hindi naging maganda ang kanilang paghihiwalay.Naniniwala kasi siyang it is the most gentlemanly thing to do.Sa naturang tsikahan, aminado naman siyang siya ang gumagastos sa date nila ng kanyang exes.Bilang lalake, parang repleksyon daw ito na kaya na niyang mag-provide sa family ng girl kung sakaling sila ang magkakatuluyan.Hindi raw naman sa pagmamayabang, wala naman daw siyang ex na mas angat ang financial o economic status sa kanya.Speaking of Rabiya Mateo, his current gf, suportado rin daw niya ang pag-aaral nito. Archie Liao