Home ENTERTAINMENT Jamilla, sagana sa dilig sa bagong pelikula!

Jamilla, sagana sa dilig sa bagong pelikula!

3
0
Screenshot

Manila, Philippines – First title role ni Jamilla Obispo ang bago niyang pelikula titled “Sugar Mommy”.

Petmalu at kaabang-abang ang pelikulang ito na mapapanood sa VMX app simula June 9.

Balita kasi namin ay halos seven times a week daw kung sumabak sa lampungan ang karakter dito ni Jamilla, kaya saganang-sagana siya sa dilig.

Bukod sa maraming eksenang pampainit ng dugo, si Jamilla ay mayroong tatlong lovers sa pelikulang ito. Kaya matitinding romansahan ang masisilip dito ng viewers.

Aniya, “I’ll be playing the role of Hazel, siya po si sugar mommy. Maide-describe ko ang pelikulang ito as one of the strongest character I’ve done.

“Hazel has three lovers po rito, which will be played by Ashley(Lopez), Rash (Flores), and Aerol (Carmelo).

“I find it very challenging, kasi bukod sa magagaling ang mga co-actors ko, bago rin po sa akin yung role and I think marami ang makaka-relate rito sa aming pelikula, hehehe,”  nakatawang wika ni Jamilla.

Sambit pa ng sexy actress, “Daring po ako rito, in a way na ibinigay ko lang yung need po sa mga eksena,especially with the help of my director, mas naging magaan ang lahat.”

Nagpapasalamat din siya sa ibinigay na opportunity sa kanya para magbida sa pelikulang ito.

Pahayag ni Jamilla, “Thankful po ako kasi this is my first title role. Compare po sa ibang nagawa kong projects na para po mabigyan nila Boss Vic at ng Viva family ng ganitong magandang opportunity, super grateful po ako.”

Mula sa pamamahala ni Direk Christopher Novabos, ito ay hatid ng The Good Bois Production ng aktor/businessman na si Andrew Gan. Nonie Nicasio

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here