MANILA, Philippines – Inimbitahan ni Senator Alan Peter Cayetano si Senador Sherwin Gatchalian sa isang pulong upang lutasin ang isyu kung sino ang tunay na Senate president alinsunod sa umiiral na batas.
Sa kanyang Facebool live nitong Sabado, sinabi ni Cayetano na mayroon siyang solusyon sa nangyayaring sigalot sa pagitan ng grupo nito at grupo ni Gatchalian na dating 11 senador na sinamahan ni Senador Francis “Chiz” Escudero noong Miyerkules.
“I’ll offer you a solution, Senator Win. Mag-meeting tayo. May naiisip akong solusyon. Mahirap humanap ng solusyon kung sino ang tunay na Senate president kasi ’yung tatlong libro na hawak ko ay nagsasabing ang legitimate Senate president ay ’yung nahalal ng 13,” ani Cayetano sa Facebook livestream nitong Sabado.
Tinutukoy ni Cayetano ang 1987 Constitution, Rules of the Senate, at Bibliya.
Ngunit, nagpost naman si Gatchalian sa X nitong Linggo na nagsasabing: “Malinaw ang batas, at mahalagang pakinggan ang mga taong may sapat na kaalaman sa usaping ito.”
Noong Hunyo 3, ideneklara ng grupo ni Gatchalian ang quorum matapos tumalon si Escudero sa kanilang hanay kaya naging 12 ang bilang ng mambabatas na pumanig sa datung minorya ng Senado.
Pinagbasehan ng grupo ni Gatchalian ang desiyson ng Supreme Court noong 1949 sa Avelino v. Cuenco nang magtungo sa US si Senador Tomas Confesor na walang sa hurisdiksiyon ng Senado noong panahon na iyon.
Dahil dito, idenekla ng sesyon noong Hunyo 3 na bakante ang lahat ng halal na opisyal ng Senado kabilang ang Senate president. Nahalal dito si Gatchalian bilang Senate President Pro Tempore, saka pinalitan ang lahat ng chairman ng komite.
Base sa statement ng bagong mayorya, hindi na senate president si Cayetano na mahigpit na tinutulan ng dating lider ng Mataas na Kapulungan sa pagsasabing siya lamang ang lehitimo, legal at moral na Senate president.
“The Senate shall elect its president and the House of Representatives its speaker by the majority vote of all of its members… Iba po ‘yon sa sinasabi rito ‘a majority of each House shall constitute a quorum to do business, ” ayon kay Cayetano na bumabanggit sa ilang probisyon ng Saligang Batas.
Aniya, lahat ng opisyal ng Senado ay kailangan ihalal ng 13 senador alinsunod sa itinakda ng batas tulad ng secretary, sergeant-at-arms, Senate president pro tempore, at ang Senate president.
Inihayag naman ni Gatchalian na kanyang inirerespeto ang panahon ng Cayetano bloc pero mas sumandig siya sa posisyon ng ilang Samahan ng abogado.
“Of course, we respect her opinion, but matibay rin ang opinion ng Integrated Bar of the Philippines, ‘yung association ng mga law school deans, of course, ‘yung mga former Senate presidents,” ayon kay Gatcahalian. Ernie Reyes