MANILA, Philippines – SWAK sa kulungan ang isang 22-anyos na lalaki makaraang mahulihan ng shabu sa loob ng barangay hall makaraang ireklamo ng kanyang kaanak dahil sa pananakit sa kanyang pinsan nitong nakalipas na linggo sa Brgy. Baesa, Quezon City.
Kinilala ng Quezon City Police District Station station 3 ang nadakip na suspek na si alyas Vincent ng Barangay Baesa, Quezon City matapos mahulihan ng illigal na droga.
Ayon kay PSSg. Neil Christian Cyrus Fresco imbestigador nadakip ang suspek nitong nakalipas na Hunyo 4, 2026 dakong alas 7:40 ng gabi sa loob ng Barangay Hall ng Brgy. Baesa, T.S. Cruz Subdivision, Quezon City.
Sinabi sa ulat bago rito inireklamo ang suspek ng kanyang kaanak dahil sa pananakit nito sa kanyang pinsan na agad rumospondi ang mga BPSO ng Brgy. Baesa, QC at inaresto ang suspek.
“Sinaktan kasi ng suspek yung kanyang pinsan kaya inireklamo siya ng kanyang tiyahin sa barangay,” ayon kay PSSG. Fresco.
Pagdating sa tanggapan ng Brgy. Hall ng Baesa kinapkapan ang suspek at nakuha sa kanyang pag-iingat ang dalawang pakete ng shabu na nakalagay sa maliit na plastic sachet.
“Nagulat ang mga tauhan ng barangay na may dala palang shabu yung suspek ng kapkapan ito na agad naman itinawag sa himpilan ng Talipapa police” ayon kay PSSg. Fresco.
Sa himpilan ng pulisya hindi naman itinanggi suspek ang nakuhang iligal na droga sa kanyang pag-iingat.
Kasalukuyan ngayong nakapiit ang suspek sa naturang himpilan ng pulisya at nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Santi Celario