Home NATIONWIDE P400K narra nasabat sa checkpoint sa Nueva Vizcaya

P400K narra nasabat sa checkpoint sa Nueva Vizcaya

2
0

NUEVA VIZCAYA – Umaabot sa P400,000 halaga ng pinaniwalaang narra ang nasabat sa dalawang katao sa pagpupuslit sa checkpoint sa Barangay Bakir, Bagabag, Nueva Vizcaya.

Kinilala ang mga suspek na sina alyas “Carl”, 27-anyos na drayber at si alyas “JM”, 26-anyos na binta at mga residente ng Barangay Poblacion, Paracelis, Mountain Province.

Nanguna sa paglalatag ng Checkpoint ang 1st Nueva Vizcaya Provincial Mobile Force Company na siyang nakaharang sa Toyota Hiace GL Grandia Van na lulan ng mga suspek dakong 3:50 ng madaling araw.

Hinanapan naman ng mga dokumento at kaukulang lisensiya sa pagmamaneho ang mga pinaghihinalaan bagamat bigong makapagpakita ang mga ito.

Nang siyasatin ang sasakyan, nadiskubre ng mga awtoridad ang mga tablon ng Narra, na tinatayang may 800 board feet ang volume na nagkakahalaga ng humigit kumulang P400,000.00 na isinailalim sa imbentaryo.

Nahaharap sa paglabag sa Presidential Decree No. 705 bilang Revised Forestry Code of the Philippines ang mga suspek na nasa kustodiya na ng Bagabag Municipal Police Station. REY VELASCO

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here