Home NATIONWIDE 7 sa 10 Pinoy suportado joint military drills sa WPS – OCTA

7 sa 10 Pinoy suportado joint military drills sa WPS – OCTA

2
0

MANILA, Philippines – PITO mula sa 10 adult Filipino ang nagpahayag ng pagsuporta sa joint military exercises na ginagawa ng Pilipinas sa West Philippine Sea kasama ang mga kaalyadong bansa.

Base ito sa Tugon ng Masa (TNM) survey na ginawa ng OCTA Research sa first quarter ng 2026.

Makikita sa survey na kinomisyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na iniisip ng 71% adult Filipino na makatutulong ang joint military exercises o patrols na mapahuhusay nito ang seguridad sa West Philippine Sea, habang 14% naman ang nag-iisip na makasasama ito magiging dahilan ito ng kaguluhan sa bansa.

Ang persepyon na makatutulong ang joint activities ay nakahamig ng pinakamataas mula sa National Capital Region (NCR) na may 74% at Mindanao na may 73%, habang nasa pinakamababang antas ay sa Visayas at Balance Luzon, kapuwa mayroong 70%.

Samantala, naitala naman ang pinakamataas sa mindanao kung saan may17% na adult Filipino ang nakaisip na ang nasabing aktibidad ay mapanganib.

“This represents a decisive and broad expression of public support that cuts across major geographic areas and demographic groups,” ayon sa OCTA Research.

Pagdating sa socioeconomic class, ang persepsyon ay may pinakamataas sa Class ABC na may 79%, habang ang pinakamababang antas naman ay naobserbahan sa Class E na may 69%.

Sa iba’t ibang rehiyon, ang pinakamataas na proprosyon ng adult Filipino na sa tingin nila ay makatutulong ang joint activities ay mula sa MIMAROPA (100%), SOCCSKSARGEN (90%), Western Visayas (87%), Bicol Region (84%), at Caraga (76%).

Ang pinakamababang antas ay naitala sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) na may 50%, Cagayan Valley na may 55%, at Central Visayas na may 57%.

Sinabi pa rin ng OCTA Research na ang mas mataas na bahagi ng adult Filipino na sa tingin nila ay mapanganib ang joint activities ay sa Cagayan Valley (33%), BARMM (35%), Northern Mindanao (25%), at Central Visayas (21%).

Pagdating maman sa lokal, ang mga adult Filipino sa urban areas (76%) ay mas malamang kaysa sa mga adult Filipino sa rural areas (68%) na kung iisiipin, ang mga aktibidad na ito ay makatutulong para paghusayin ang aktibidad sa West Philippine Sea.

Natuklasan din ng OCTA Research na ang 7 mula sa 10 adult Filipino na ang joint military exercises at naval patrols kasama ang mga kaalyadong bansa ay kapaki-pakinabang saWest Philippine Sea security “carries notable implications for Philippine defense policy and public communication.”

Idinagdag pa nito na ang mga aktibidad gaya ng taunang Balikatan exercises – gaya ng Balikatan 2026 kasama ang puwersa mula sa Estados Unidos, Japan, Australia, Canada, France, at New Zealand – at regular joint naval patrols isinagawa ng Philippine Navy at allied vessels sa West Philippine Sea ay kumakatawan sa uri ng cooperative security engagements na sumalamin sa survey.

“The survey data suggests that a substantial portion of the public views such activities as contributing to regional stability, which may be a relevant consideration as policymakers evaluate the scope and direction of existing defense arrangements,” ayon sa OCTA Research.

Makikita pa rin sa poll results na ang mas mataas na suporta mula sa mga pinoy ay may edad na 18 hanggang 24 (78%) “may reflect generational exposure to ongoing developments in the West Philippine Sea, including increased media coverage of joint naval patrols and multilateral exercises involving multiple allied nations.”

“The comparatively lower support among the 25–44 age group (66%) suggests that perceptions of joint military activities are not uniform across the population, and that public awareness efforts may benefit from taking these generational distinctions into account,” ayon pa rin sa OCTA Research.

Samantala, ang pagkakaiba sa persepsyon sa pagitan ng urban at rural respondents ay tumutukoy sa mga paghkakaiba kung paano ang joint drills ay naintindihan sa mga komunidad.

“Rural areas may have less exposure to reporting on these activities and their stated objectives. This variation underscores the value of accessible, balanced public information that reaches diverse communities, enabling citizens across all areas to form views based on a fuller picture of what these engagements involve and why they are conducted,” ayon sa survey.

Samantala, isinagawa ng OCTA Research ang survey mula March 19 hanggang 25, 2026 sa 1,200 registered voters gamit ang face-to-face interviews. Ang survey ay mayroong ±3% margin of error na may 95% confidence level. KRIS JOSE

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here