MANILA, Philippines – Umakyat na sa 35 ang bilang ng mga nasawi sa magnitude 7.8 na lindol na tumama sa Mindanao, ayon sa Office of Civil Defense.
Sa update alas-8 ng gabi ng Lunes, Hunyo 8, nakatanggap ng OCD ng report ng 31 nasawi sa SOCCSKSARGEN at apat sa Davao region.
Sa 31 nasawi sa SOCCSKSARGE, 17 ang mula sa Sarangani, 12 sa General Santos City, at dalawa sa South Cotabato.
Sinabi naman sa report ng Agence France Presse na may mga nawawala pa at mayroong 134 ang nagtamo ng injury.
Ayon kay Rene Punzalan, disaster chief ng Sarangani province, sa munisipalidad ng Glan ay mayroong 14 ang nasawi nang matabunan ng landslide ang tirahan ng mga residente.
“The landslide happened immediately after the earthquake, so many lives were lost,” ani Punzalan.
“The greatest challenge is communication. The power was cut, so it’s hard to get updates.”
“We’re worried about aftershocks,” dagdag pa niya.
“We can feel the fear of the residents.”
Matatandaan na tumama ang magnitude 7.8 na lindol nitong Lunes ng umaga na naramdaman sa malaking bahagi ng Mindanao at nagdulot din ng tsunami. RNT/JGC