MANILA, Philippines – Nakakaapekto ang Southwest Monsoon o Habagat sa kanlurang bahagi ng Northern at Central Luzon ngayong Martes, Hunyo 9.
Ayon sa PAGASA, ang Ilocos Region, Batanes, Babuyan Islands, at Zambales ay makararanas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm dahil sa Habagat.
Ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa naman ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rainshowers o thunderstorms dahil sa Localized Thunderstorms. RNT/JGC