Home OPINION FLOOD CONTROL SCAM TULUYANG KAKALAT (2)

FLOOD CONTROL SCAM TULUYANG KAKALAT (2)

2
0

KAHAPON, tinalakay natin kung paano kumakalat sa buong mundo ang balita sa P1.3-P1.7 trilyong kikbakan sa flood control program ng nakaraang tatlong taong administrasyon ni Pangulong Bongbong Marcos.

Nangyayari ito sa pamamagitan ng internet na dinadaluyan ng balita ng lokal at internasyunal na media, kasama ang media ng iba’t ibang religious group na nakakalat sa buong mundo.

Kasama sa mga religious group na may international media ang Simbahang Katolika, Iglesia ni Cristo, grupong Muslim, Kingdom of Jesus Christ, Protestanteng grupo at iba pa.

Hindi man natin nabanggit, kasama rin sa nagpapakalat mismo ang media ng Malakanyang bagama’t laman nito karaniwan ang mga denial o pagpapabulaan ng mga opisyal ng Malakanyang at iba pang opisyal ng mga ahensya ng pamahalaan sa pagkakasangkot nila sa katiwalian.

MGA KASONG ISASAMPA

Dahil nga sa paglalabas nang lantaran sa Senado sa ilalim ng Senate Blue Ribbon Committee sub-committee sa ilalim ni Senator Rodante Marcoleta ang malakihan at mamalawakang kikbakan, halos lahat ng mga isinangkot dito ang balak na magsampa ng mga kaso, kabilang na ang ordinaryong libel o kaya’y cyber libel.

Ito’y bukod sa pagpapabulaan nila internet, print media, broadcast media at social media sa mga bintang sa kanila na sangkot sila sa kikbakan.

Lumilitaw na kahit ang mga nakatanggap lang umano ng mga bag-bag na kikbak at hindi male-maleta, magsasampa umano sila.

Siyempre pa, kasama sa mga magsasampa umano ang mga nakaupong kongresman, dating senador at iba pa.

Sasampahan nila ng mga kaso ang 18 Marines at sundalo at abogado nito na si Atty. Levito Baligod at posibleng madamay rin si dating Congressman Mike Defensor.

Siyempre pa rin, isasama na rin nilang sampahan maging ang mga senador na nagsagawa ng imbestigasyon at posibleng mga tauhan ng mga ito na tumulong sa pagpapalabas sa mga diaryo, broadcast media, social media at iba pa ukol sa lumabas na resulta ng imbestigasyon.

Tiyak ding sasabay ang pagsasampa ng mga kaso sa korapsyon at pandarambong.

MAGTATAGAL, SUSUBAYBAYAN

Pagsampa ng mga kaso, tiyak na susubaybayan ng media, taumbayan at mundo ang mga ito.

Kung may katotohanan ang mga paratang o wala, magiging balewala sa proseso.

Bawat hakbang sa imbestigasyon sa Office of the Ombudsman, National Bureau of Investigation, Philippine National Police, Department of Justice at iba pang ahensya, susubaybayan ‘yan ng lahat.

At lalong susubaybayan ang mga kaso kung maisasampa sa mga hukuman, kabilang na ang Regional Trial Court at Sandiganbayan.

Maaari ring may magsasampa ng ibang mga kaso, gaya ng disbarment na saklaw naman ng imbestigasyon ng Integrated Bar of the Philippines hanggang sa makarating ito sa Office of the Court Administrator at Supreme Court mismo.

Dahil magtatagal ang mga imbestigasyon at paglilitis hanggang sa makarating sa Supreme Court, magiging walang katapuan ang pagsubaybay ng media, taumbayan at mundo.

Kahit pa matatapos ang mga kaso na posibleng may mga maabswelto o mapatunayang guilty, tiyak na susubaybayan pa rin ang mga ito lalo’t may koneksyon ito sa panunungkulan sa pamahalaan at mga halalang darating.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here