MANILA, Philippines – Nangako ang mga lider ng Simbahan ng mga dasal at pinansyal na tulong sa mga komunidad naapektuhan ng malakas na lindol na tumama sa lalawigan ng Sarangani at mga kalapit na lugar noong Lunes ng umaga, ayon sa CBCP.
“Sa matinding lungkot, nakikiisa ako sa ating mga kapatid sa General Santos City at mga kalapit na komunidad naapektuhan ng kamakailang lindol,” sabi ni Manila Archbishop Cardinal Jose Advincula.
Nanawagan din siya sa mga mananampalataya na magpadala ng tulong sa mga apektado ng magnitude 7.8 na lindol na tumama sa baybayin ng Sarangani.
Humiling din siya ng mga dasal para gabayan ang mga emergency responders sa kanilang patuloy na operasyon ng pagliligtas.
Naglabas naman si Cebu Archbishop Alberto Uy ng “Panalangin para sa Mindanao” sa wikang Cebuano, habang nag-alay din ng mga dasal si Dumaguete Bishop Julito Cortes para sa mga pamilyang naapektuhan. Jocelyn Tabangcura-Domenden