Home NATIONWIDE DOH bukas sa imbestigasyon kaugnay ng isyu sa ‘upgraded’ airfare sa Geneva,...

DOH bukas sa imbestigasyon kaugnay ng isyu sa ‘upgraded’ airfare sa Geneva, Switzerland

3
0

MANILA, Philippines – Handang humarap sa anumang imbestigasyon ang Department of Health (DOH) kaugnay sa umano’y isyu sa ‘upgraded’ airfare sa Geneva, Switzerland na ipinupukol ng  Alliance of Health Workers (AHW) sa pagdalo sa 79th World Health Assembly na ginanap sa Geneva, Switzerland.

Una nang hiniling ng grupo sa Office of the Ombudsman na imbestigahan ang  tinawag nilang “unconscionable, tone-deaf, at illegal misuse of public funds para sa personal luxury sa gitna ng kakulangan ng mga pasilidad ng kalusugan at mababang pasahod sa mga health workers sa bansa.

Nag-ugat ang reklamo sa umano’y pag-upgrade ng airfare ni DOH Usec Albert Domingo mula sa economy class patungong business class sa World Health Assembly sa Geneva, Switzerland mula May 17 hanggang May 23 ngayong taon.

Hiniling  din ng AHW na isailalim sa preventive suspension ang dalawang opisyal ng DOH habang gumugulong ang imbestigasyon sa umano’y gross misconduct, conduct prejudicial to the best interest of the service  at paglabag sa Anti-Graft and Corrupt practices Act at Code of Conduct and Ethical Standards of Public Officials and Employees.

Sa isang pahayag, binigyang-diin ni DOH Usec Albert Domingo na ikinalulugod niya ang hakbang na ito upang maging malinaw ang mga umiiral na regulasyon at proseso sa pamahalaan hinggil sa mga official travel. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here